Saturday, October 5, 2013

Scenes from Yesteryears: Jump Shots

Perfectly-timed jump shots look good but are hard to pull off. In fact, the difference between a good photo and an embarrassing image is a mere second. It needs patience. It needs the proper setting. It needs coordination, communication, and cooperation between the person in front of the camera and the one behind it.






A successful marriage, like jump shots, is beautiful to behold and yet difficult to achieve. The gap between a fairy tale and a failed story is a single massive indecision. It needs patience. It needs a proper frame of mind. It needs coordination, communication, and cooperation between the one who popped the question and the person who said "Yes".

Sunday, July 21, 2013

Month Anniv 2.0



Love is sweeter the second time around.

--

After “love is blind”, “love is like a box of chocolates“, and  “love is like a rosary that is full of mysteries”, this quote probably rounds up the top 4 cliches about love. While others say that broken hearts will never heal again, there are those who believe that a relationship is at its strongest after going through fights and breakups.

--

Back in 2008, my girlfriend and I decided that it was time to part ways. Being in a long distance relationship, we felt that things would be better if we lived separate lives. The thinking was that we were okay as a couple but we were more suited as friends. After a few rounds of boxing against indecision, we threw the towel.

--

It was such a tough time adjusting to my newly found freedom. The nights we used to spend talking to each other were gone. There was no one to wake up every morning. Sweet nothings were kept unsent in my phone. Like an addict going through withdrawal, it was psychophysically taxing.

--

The thing about breakups is that common friends often choose sides. It’s a two-step process where they first decide on who cried the most and then diligently perform their friendsponsibilities (see what I did there?) with that person. Though we both were depressed, I was the one with less tears.

--

Almost all failed relationships follow a certain pattern. It begins from moping around because it failed (1st),  to asking (in a melodramatic tone) why it failed (2nd), to half-heartedly accepting that it failed (3rd), and then gleefully celebrating the fact that it failed (4th). Somewhere between 2nd and 3rd, I felt that I had a decision to make. We knew that we had something special going on. There was this constant feeling that our relationship would reach epic heights one day. Distance was our only issue. That and time difference perhaps. But was I about to put this “something special” on an indefinite hiatus just because of thousands of miles? What happens to our future babies then?

--

Nothing against friends but they do have this tendency of going overboard when consoling the depressed. In a short amount of time, there were layers of new advice on old issues and countless ingenious ways of saying “It’s time to move on”. That’s the worst part. I had to overcome all of them or else it’s the real end of the end. It was the proverbial “now or never’. Unfriending them had to begin soon.

--

We all take chances in life. Some make us. Some break us. Some chances we grab. Some chances we decline. However, the only one we should not take is the chance to not do anything.

--

It started with “How are you?”. Then it moved to “I’m sorry”. It became “I miss you”. But then, I held back. I asked myself “What am I doing?”. It changed to “Am I ready?”. Countless “What if’s?” followed. And then I stopped with “I still..”

--

October 20, 2008.


It was lunchtime when I woke up and saw the image below.

It came with a short note.

Hello po!!!

Gising na.. sensya na sa ginawa ko sa Adobe. Newbie. May delay pa sa mouse. Ayun. Di ko alam kung magigising kita maya. Ingatz sa lakad mo. Taena sakit ng mata ko. Gusto ko matulog. Pero di ako matutulog. Maya na lang. wala na akong masabi. Trabaho nako after nito. Ingat ka parate. Eyun. wala na talga ulit akong masabi. Tulog ka ngayon. Ako andito lang. Eyun. Tae wala talaga akong masabi. Gudpm! Ligo na po.. Paakap.. hmmmmmm........

.Kittz.



I cried and called her up while sobbing.
 --

Together again. And maybe, for good. Love was indeed sweeter the second time around.

--






Epilogue:
I never stopped loving her since that day. In fact, I asked for her hand just a few months afterwards and she became my wife on June 2009. We then tied the knot once more last March 2011 and will definitely do it again soon.

Lastly, the said future babies will be conceived in the next 3 years I guess.

Sunday, June 2, 2013

Labstory

Gaya ng iba, noong bata ako gusto ko ng happy endings at fairy tales. Sa mga pelikula, mas interesado ako sa karakter ng lalaki na matalino, tahimik, medyo suplado, at torpe tapos sa huli e sobrang maiinlab sa isang nakakatawa o cowboy na babae. Yung lalakeng ito ang makakapagpabago sa ugali niya at yung babae naman ay makakaranas ng tunay na pagmamahal mula dun sa isa. Ang typical na labstory ko rin na gusto kong magkaroon noon e dapat maging magbestfriends muna kami tapos magdedevelop sa huli. Andun kasi yung anticipation na kelan kaya magtatapat yung guy o kaya napapansin kaya nung girl yung biglang seloso at protective ng kaibigan niya sa kanya. Andun din na iba na ang tingin ng isa't-isa. Papasok diyan yung mga kilig moments. Parang yung sa kanta ng Parokya ni Edgar na "Minamahal Kita". Ganun! Hinde ako masyadong fan ng introduction at courtship. Awkward e. Gusto ko kasi kaibigan ko na ang aking magiging nobyo. Mas makikilala at magiging palagay kasi ang loob ko sa kanya sa katagalan ng pagkakaibigan at matatanggap ko siya sa kung ano siya at ganun rin ako sa parte naman niya. Masayang mainlab at mainspire ng mga lovestories na gaya nang sa pelikula dati. Subalit kapag tumatanda ka na at marami nang pinoproblema, ewan ko lang kung gaano kadalas sumasagi sa isip ang mga iyon.

Nitong mga nakaraang limang taon, napansin ko ang pagbabago ng aking mga priorities maging ng aking ugali. Hinde na ako dating kasing kalog at masayahing babae unlike nung nasa Pilipinas pa ako. Natatalo na rin ako ng mga problema at hinde na rin ako optimistic. Masyado na akong praktikal at realistic. Hinde na ako nangangarap. Sabi nga ng nanay ko, "Libre na nga hinde mo pa gawin." Marahil dahil sa nakuha ko na ang labstory ng buhay ko. Kasal na ako 22 anyos pa lang ako. Walang pagsisisi. Pero dahil sa ako ito e kuntentong kuntento na ako sa buhay ko kasama ang aking asawa na hinde na ako panatiko lalo na nitong nakaraang taon ng mga madamdamin at may kilig-factor na mga palabas sa telebisyon. Mas gusto ko pang nanonood ng nakakatakot o nakakadiri o mga mas seryosong programa. Hinde naman masama iyon at mahal na mahal ko naman ang asawa ko. Kaso, parang hinde lang ako relaxed sa buhay. Hinde na emotional. Usually stressed ako at maraming iniisip, ni hinde magloosen up. Oo ngumingiti pero minsan hinde na mabiro. Dati ako ang nagpapatawa, ngayon ako na ang pinapatawa.

Napatunayan ko ito kahapon nang magdiskusyon kami ng asawa ko about sa aming mga plano. Biglang natunaw ang praktikalidad, ang takot sa uncertainties, ang pagiging makontrol sa mga bagay, ang pilit na paghawak ko ng aming kinabukasan sa sinabi ni Rob:

"Hinde ba pwedeng maging mahina ako at hinde makayang hinde kita kasama? Hinde ba pwedeng bigyan kita ng buhay na hinde ka mahihirapan o magtatrabaho? Bawal ba na ako ang maging mapaghanap, ako ang madamot at ang iyakin? Bakit sa Like Crazy, para lang makasama ng mas matagal ng babae yung lalake e nag-extend siya ng stay kahit di na pwede sa visa niya tapos yung lalake naman e lumipad ng UK para mapakasalan yung babae at makuha niya sa America? Bakit hinde pwedeng gawin natin ang mga bagay dahil sa mahal na mahal lang natin ang isa't isa? Bakit parang ako lang ang mawawalan? Bakit kailangan tatagan kesa mangulila? Bakit sa'yo kelangan lahat praktikal dapat ang lahat ng desisyon? Bakit ako, kapag tinanong ako kung bakit kumuha tayo ng dalawang pusa sasabihin ko "Mahal ko kasi ang asawa ko". Kpag tinanong kung bakit ako nagbubuhat at kumakain ng tama "Mahal ko kasi ang asawa ko." Bakit ako nagpa-promote "Mahal ko kasi ang asawa ko" Bakit ako nagbago at nagpapakabait "Mahal ko kasi ang asawa ko". Ikaw malamang ang sasabihin mo tungkol sa pusa, "E kasi naawa ako kaya kahit bawal kinuha ko." Tungkol sa pagwoworkout: "E para maging matagal pa ang buhay ko para sa baby natin." Tungkol sa promotion: "Para magkaron tayo ng mas maraming pera." Sa pagbabago ko at pagiging mabait: "E dapat lang kasi mabait din naman ako." Mahal, hinde ba dapat parati ang rason natin e, "Dahil mahal ko ang asawa ko?" Ganun ako e. Pinangarap kong magkaron ng napakagandang labstory gaya ng napapanood natin sa sine. Wala nang magmamahal sakin ng sobra gaya ng pagmamahal mo. Sana mabuhay lang tayo ng nagmamahalan at yun lang ang gawing dahilan sa lahat ng bagay. Ikaw ang labstory ko e. Kapag pinapakinggan ko yung "Huling Sayaw" naluluha ako e. Baka mahimatay pa ako sa lungkot pagkahatid ko sa'yo sa Airport. Mahal na mahal talaga kita, Mahal."

Di ko napigilang ngumiti.
Niyakap ko siya at hinagod ang likod.

Tapos ang usapan.


 
Like Crazy 
 
Huling Sayaw - Kamikazee

Sunday, May 26, 2013

One Woman Man


"How can a young man keep his way pure? By living according to your word." (Psalm 119:9)

---

Nanatiling itong draft ilang linggo na ang nakakaraan mula noong April 29. General ang pinupunto ng verse pero rinelate ng asawa ko sa aming pagsasama. Ito ang isa sa pinaka-moving na narinig ko mula kay Rob:

" Sa gitna ng lahat ng advancements sa technology, nariyan ang mga distractions sa paggawa ng matuwid. Ang telebisyon, mga iba't ibang babasahin, internet, pati ang Facebook na accesible sa nakararami ay nagiging instrumento sa pagkakalat ng iba't ibang porma o representasyon ng tukso. Lubhang malaking hamon tuloy para sa atin ang paglayo sa mga masasamang gawi at temptasyon. Halimbawa na lang sa samahan ng mag-asawa. Sa panahon ngayon, mas lalong hinde madali maging tapat sa kapareha."

" Madali lang magpantasya sa mga larawan ng ibang mga babae. Madaling matunaw sa mga katawan at magagandang mukha ng mga sikat na aktor sa mga pelikula. Hinde mahirap humanga at magbigay ng oras at atensyon sa ibang tao bukod sa iyong asawa. Naaappreciate ko na wala akong problema sayong ganon. Dahil ako ang lahat lahat para sa iyo. Unfortunately, naiporma ang lipunan na mangunsumo ang mga kalalakihan sa kamunduhan. Kaya ako bilang asawa mo e binabago ko ang aking sarili, noon pa man simula nang magsama tayo, na labanan ang iba't ibang porma ng tukso kahit pa sa mata o isip lang upang hinde kita masaktan. Ganun ka na sa akin kaya marapat lang na ganun ako kalinis para sa iyo."

" Dalawa, para sa akin, ang dapat tandaan ng isang tao upang magawa niyang maging tapat sa kasama niya sa buhay. Una, napakasimple.. Pag-ibig. Mukhang madali ang konsepto dahil simple lang ang lohika. Kapag mahal mo ang tao, hinde ka gagawa ng makakasakit sa kanya. Na kapag mahal mo ang tao e gusto mo siyang maging masaya, at lahat ng best para sa interes niya ang nasa isip mo. Madali ang konsepto ng pag-ibig pero mahirap mapanindigan. Dahil minsan, nauuna ang pansariling pangangailangan, gusto at interes. Sa kung paano magiging matapat sa asawa, parati lang dapat balikan ng isang tao ang kanyang pagmamahal dito."

"Ang pangalawang bagay na magpapakita ng katapatan natin para sa akin ay ang pagsunod sa salita ng Diyos. Ito ay dahil hinde lamang sa pagsasapuso na mahal natin ang tao makikita ang katapatan natin sa ating kasintahan o asawa. Maraming mga verses sa Bible na nagtuturo kung paano maging mabuting kapareha at paano sila itrato. Kung ano ang mga obligasyon natin bilang asawa at kung paano magmahal ng tapat. Dapat nating tandaan na ang Diyos na nagbuklod sa atin ay nasa gitna ng ating pagsasama. Siya rin ang nagtuturo sa atin kung paano maging matuwid na tao at matapat na kapareha sa pamamagitan ng kaniyang mga salita. Kung matatandaan at isasabuhay natin ang lahat ng gawi ayon sa mga aral Niya, higit pa sa pagmamahal mo sa asawa mo ang iyong pinapakita kundi pagmamahal din sa Diyos."


---


Nakakataba ng puso na marinig na hinde na lang ako umaasa sa pagmamahal ng asawa ko para magtiwala ako na magiging tapat siya sa akin at sa aming pagsasama. Alam ko naman kasi na ang pagmamahal sa isang tao ay hinde naman masasabing permanente. Nagbabago ang lahat kaya nga may tinatawag minsan na "change of heart". Pero yung marinig mo mismo na mamahalin ka ng tao at magiging tapat siya sa iyo dahil yun ang tama at dahil mahal niya ang Diyos, paano ka pa hinde maniniwala? Ngayon hinde lamang ako nananampalataya sa Diyos kundi pati na rin sa asawa ko. Ang gaan-gaan sa pakiramdam.

Ilan sa mga verses sa Bible na nakakatulong sa akin na matandaan ang kahalagahan ng aking asawa ay nasa ibaba. Ito ay nagbibigay rin ng insights sa kung ano ang obligasyon natin, mga paraan kung bakit at paano sila mahalin, pati na rin ang esensya ng kasal. Minsan kapag mabilis ako magtampo sa asawa ko, pinapaalalahanan ko ang sarili na: "Love is patient and kind". Napakasimple pero epektibong nagpapalamig sa hinde maawat kong temper kung minsan.


Love is patient, love is kind, and is not jealous; love does not brag and is not arrogant, does not act unbecomingly; it does not seek its own, is not provoked, does not take into account a wrong suffered, does not rejoice in unrighteousness, but rejoices with the truth; bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. Love never fails; but if there are gifts of prophecy, they will be done away; if there are tongues, they will cease; if there is knowledge, it will be done away. (1 Corinthians 13:4-8)

"But at the beginning of creation God 'made them male and female.'  'For this reason a man will leave his father and mother and be united to his wife,  and the two will become one flesh.' So they are no longer two, but one.  Therefore what God has joined together, let man not separate."  (Mark 10:6-9)

"Many a man claims to have unfailing love, but a faithful man who can find?  The righteous man leads a blameless life; blessed are his children after him." (Proverbs 20:6-7)

"Wives, submit to your husbands, as is fitting in the Lord.  Husbands, love your wives and do not be harsh with them." (Colossians 3:18-19)

"Wives, submit to your husbands as to the Lord.  For the husband is the head of the wife as Christ is the head of the church, his body, of which he is the Savior." (Ephesians 5:22-23)

"A wife of noble character is her husband's crown, but a disgraceful wife is like decay in his bones." (Proverbs 12:4)

"He who finds a wife finds what is good and receives favor from the LORD." (Proverbs 18:22)

"Houses and wealth are inherited from parents, but a prudent wife is from the LORD." (Proverbs 19:14)

 "A wife of noble character who can find? She is worth far more than rubies." (Proverbs 31:10)





Magandang umaga. :) 

Saturday, May 25, 2013

Langit

"If only for this life we have hope in Christ, we are to be pitied more than all men." 
(1 Corinthians 15:19)

Maganda ang service last Friday. Nasagot yung tanong ko kay Rob nung Huwebes. Napansin ko nga na paulit-ulit na lang talaga ako e. Sa kabilang banda, iisa at pauli-ulit rin ang sagot ng asawa ko. Wala naman kasing dapat nang itanong dahil parati naman na itong sinasagot. Ang kulit ko lang.

---

Kamatayan.

Sa ayaw man natin o hinde e matatapos ang buhay ng bawat isa sa atin. Maaring aksidente ang pagkamatay o dahil sa karamdaman. Maaring habang bata pa o sa katandaan. Pwedeng may hirap o pwedeng habang natutulog matapos ang lahat. At pwede ring mamaya lang o kaya'y sa malayong hinaharap. Basta ang alam natin, wala tayong kontrol. Hinde natin alam kung kailan. Hinde planado pwera na lang kung self-inflicted na (i.e. unhealthy lifestyle o suicide).

Karaniwang nababalutan ng lungkot o takot ang ideya ng katamayan. Iniiyak ito at kinasasakit ng dibdib. Isa rin ito sa dahilan kung bakit pinagdadasal ko ngayon pa lang na maging matatag ako sa hinaharap sakaling may mawala sa aking pamilya o kaibigan. Mahirap mawalan ng mahal sa buhay. Mahirap tanggapin. Masakit.

Ang sabi sa Bibliya, ang mundo natin ay hinde permanente. Na may mas hihigit pa sa buhay natin dito sa lupa. Na ang mundong ginagalawan natin ngayon ay puno ng kababawan: lahat umiikot sa vanity, yung tipong maganda lamang sa mata at may dalang convenience. Nasabi din na sakaling matapos ang buhay natin dito sa lupa, naghihintay sa atin ang buhay na walang hanggan kung saan wala nang hirap o problema. Ang sarap siguro dun.

Samakatuwid, ang kamatayan ay makikitang katapusan sana ng lahat ng hirap sa mundo. Kumbaga graduate na ang isang tao at patungo na siya sa totoong buhay. Sa isang perpektong sitwasyon, dapat ang patutunguan ng taong namayapa ay ang langit.

---

Langit.

Ang sabi sa Bibliya, ang langit daw ay malawak, maganda, maliwanag at maaliwalas. Ang sabi rin, ang sinumang tagasunod ay may nakahandang mansyon sa kaharian ng Diyos. Naroroon sa langit ang Panginoon. Although, alam natin na kahit saan naman ay naroon ang presensya niya, pero alam lamang natin iyon dahil sa ating pananampalataya. Ang kagandahan ng pagpunta sa langit ay makakapiling natin ang Diyos. Kapag naroon na tayo, hinde na natin kailangan ng pananampalataya dahil makakasama na natin Siya sa kanyang tirahan. Sa wakas, ito na ang pagkakataon  na makita na natin Siya.

Ang langit rin ang nagsisilbing pag-asa natin sa lupa. Ang dahilan kung bakit kailangan pagsumikapan natin na makaya ang mga pagsubok habang nananatiling matapat sa Kanya. Sa madali't sabi, may silbi ang lahat ng hirap natin sa mundo, hinde lang para matuto, maging malakas sa iba pang hamon, kundi ito'y investment para na rin sa kung ano ang naghihintay sa atin sa kabilang buhay.

Paano ba makakarating sa langit? Maganda ang diskusyon sa paksang ito na aking na-appreciate. Dapat daw, maging mabuting mamamayan ng langit habang naririto pa lang tayo sa lupa. Paano? Sa pagsunod sa mga utos ng Diyos. Gawin ang tama. Mahalin ang kapwa na gaya ng pagmamahal Niya sa atin. Maging tapat. Maging mapagkumbaba. Marami pang pagpapahalaga at paraan upang makalikom ng puntos para sa lugar natin sa itaas. Marapat na habang maaga e ilagay natin sa isip at puso na ang buhay natin sa lupa, mahirap man o madali ay ang magiging susi natin sa regalong buhay na walang hanggan sa piling Niya. Isa itong investment na hinde makukuha kung walang pananampalataya, disiplina, at kung hinde paghihirapan.

Mahirap kwestyunin ang mga bagay na hinde maaarok ng ating utak. Kaya ngayon, araw-araw kong iniisip na hinde panget ang mga pagsubok sa buhay. Kung iisipin kasi, hinde naman madali ang naging buhay ng mga santo, martir at iba pang deboto. Kaya bilang isang normal na kristiyano, bakit ako maghihimutok o papalahaw ng iyak sa mga mas simpleng problema at sakripisyo. Mayroon atang langit na naghihintay sa akin.

Magandang umaga.
:)

Saturday, May 18, 2013

Hallelujah

Masaya ako nung Huwebes. Hinde ko man sinunod si Rob na mag-"dramatic" look-back ng limang minuto paglabas ko ng 6:30 ng gabi sa opisina (lol), pero masasabi kong masaya ang makatanggap ng relo at paghandaan ng tanghalian ng mga kasama ko sa opisina sa loob ng higit limang taon. Nadama ko namang naappreciate nila ako. Magandang exit kahit papaano.

Sarap maging malaya.

---

Hinde ako nagising ng maaga noong Biyernes. Malamang pinagbigyan ako ni Rob na magising ng tanghali. Yung chillax lang. Sa hapon na lang kami nakapagsimba. Hinde naman ako tinamad. Pero hinde ko pa kasi nararanasan yung walang karampot na lungkot dahil bukas e may pasok na naman. Masarap talagang humilata lang sa kama hanggat gusto mo. Tapos lalabas lang kayong mag-asawa. Makkwentuhan sa Pizza Hut then magttsaa pagtapos. Masama ang pakiramdam ni Rob nung araw na iyon. Magandang pagkakataon para maging matiyaga at mabait na nars ako na nagbantay sa kanya hanggang siya'y makatulog. Natulog lang ako nung napainom ko na siya ng gamot ulit nung madaling araw. Guilt-free.

Sarap maging housewife.

---

Pagkagising kanina bago magalmusal ay nagehersisyo kami. Nanood ng Naruto habang nanananghalian. Naglinis ng kwarto at nagsiesta habang nagpa-piano si Rob. Plano sana naming tumakbo kaso natrapik. Kumain na lang kami sa Thai Snack. Nanood ng My Awkward Sexual Adventure (Love story. Hinde pelikulang bastos.) pagkauwi. Nagbasa-basa tungkol sa pinaplano kong negosyo sa internet habang nagsa-sounds. Lahat ng mga gusto kong gawin nagawa ko sa isang araw. Ngayon nagsusulat ako at naga-update ng blog.

Sarap ng walang pasok.

---

Magulo ang mga nakaraang linggo. Maraming beses akong naligaw, nalito, naguluhan, at nastress. Nalungkot sa mga pangyayaring hinde inaasahan. Naaapektuhan sa mga negative vibes sa paligid. Namomoblema sa maraming bagay. Nawawala sa focus at positibong pananaw. Minsan pa'y kinwestyon ko ang sariling desisyon. At kung ito na ba ang tamang oras.Nagdudulot tuloy ito ng pagdaan lamang ng mga araw na hinde namin nasusulit ang mga oras na magkasama. Hinde tama e. Napakatatag ko sa mata ng iba, pero sa totoo lang e gupong-gupo na ako ng maraming isipin. Loser lang.

---

Tuwing umaga, inspired man ako o masama ang loob o may tampo o masaya o inaantok o sipag na sipag o kahit pa tinatamad ay ginigising ako ni Rob para magbasa ng Bible verse. Nakayakap ako sa kanya habang tila pastor siya na nagsheshare ng reflection niya tungkol sa nabasa. May mga bagay akong hinde shineshare o dinidiscuss sa kanya na bumabagabag sa akin nung mga nakaraan na siyang nababanggit pa niya sa kanyang pinagdadasal. Nakakaluha lang minsan. Ilan sa mga ina-underscore niyang mga verses tungkol sa pananampalataya sa plano ng Panginoon ay:


"And hope does not disappoint us, because God has poured out his love into our hearts by the Holy Spirit, whom he has given us." (Romans 5:5) --- April 30 


"Do not be anxious about anything, but in everything, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. 7 And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus." (Philippians 4:6-7) --- May 4


"Do not let your hearts be troubled. Trust in God; trust also in me. 2 In my Father's house are many rooms; if it were not so, I would have told you. I am going there to prepare a place for you. 3 And if I go and prepare a place for you, I will come back and take you to be with me that you also may be where I am." (John 14:1-3) --- May 10


Those who trust in the LORD are like Mount Zion, which cannot be shaken but endures forever. (Psalm 125:1) --- May 17


"It has often thrown him into fire or water to kill him. But if you can do anything, take pity on us and help us." 23 " 'If you can'?" said Jesus. "Everything is possible for him who believes." 24 Immediately the boy's father exclaimed, "I do believe; help me overcome my unbelief !" (Mark 9:22-24) --- May 18

---

Sinaggest ng kaibigan ng asawa ko..
Pinapraktis na ni Rob i-piano..
Pinagaaralan kong abutin ang mataas na tono..


Hallelujah
(Paramore)

Somehow everything's gonna fall right into place  
If we only had a way to make it all fall faster every day  
If only time flew like a dove  
Well God, make it fly faster than I'm falling in love
  
This time we're not giving up 

Let's make it last forever Screaming "Hallelujah!"  
We'll make it last forever
 
Holding onto patience wearing thin 

I can't force these eyes to see the end 
If only time flew like a dove  
Well, we could watch it fly and just keep looking up

...

---

Sa mga nakabasa nito na may dinadala rin sa kasalukuyan, sana makatulong ang mga nabanggit na verses sa itaas. Magdasal lang tayo at manampalataya.

Kasi hinde tayo nagiisa.

Magandang araw.

Sunday, May 5, 2013

Dear Rob: Day 12

Yumakap ka sa akin. Hawak ko lang ang celphone ko. Sabi mo ni hinde ako nagpplano ng mga bonding activities natin gayong sa katapusan e wala na ako. Wala akong nasabi. Napangungunahan pa rin ng tampo ang pagsulit ng mga nalalabing araw at oras. Tumayo ka. Nag-ehersisyo. Pinagpatuloy ko ang pagke-candy crush. Hinde naman maka-move sa next level. Naaalala mo ba dati, kapag sinasabi mong nasasayang ang oras natin sa mga tampuhan kaya ayaw na ayaw mo kapag nagagalit ako lalo na kapag weekend? Isang araw lang ang pahinga ko, inubos ko pa ang oras sa pagluto ng sama ng loob. Tapos ang isasagot ko sa'yo 'Ok lang mag-away basta nakklaro ang mga bagay at mas nakikilala natin ang isa't-isa. Tutal pagtapos din naman nun mas lalo kitang minamahal.' Parang gago lang. Haha. Hinde ko rin maintindihan e. Andami kong iniisip nitong mga nakaraan. Iiwan kitang mag-isa. Andaming problema sa opisina. Hinde ko alam kung tama ba ang sugal na gagawin ko. Nakakatakot lang rin na sakaling manghina ako at talaban ng lungkot at kawalan ng lakas, baka isang araw sabihin ko sa'yo na ayoko na. Wag na lang akong umalis. Dito na lang ako sa tabi mo. Itapon ko na lang ang mga pangarap ko.
Pero malay natin di ba.
Hinde naman masama yun.
Konti na lang.
Patawad.
Mahal naman kita.
Mahal na mahal.
-k

Sunday, April 28, 2013

Isang Sabado ng Hapon..

Maga-alas kwatro ng hapon nang nagising ako sa aking pagkakaidlip. Niyapos niya ako. Lapat na lapat ang buong katawan niya sa aking likod. Medyo madilim ang kwarto nung oras na iyon. May kokonting liwanag lang ang nakasilip sa siwang ng kurtina na galing sa labas. Tahimik. Ingay ng aircon lang ang naririnig ko habang nakikiramdam. Naisip ko, teka magaalas-siyete na kaya? Kelangan ko na bang pumasok? Maya maya pa't siya'y nagsalita.
"Tapos ko na yung ikalawang box. Naisara ko na at nai-tape ko na rin yung ilalim ng pangatlo. Mahal, namimiss na kita.. mamimiss kita."
Katahimikan.
Minulat ko ng daha-dahan ang mabibigat na mga mata. Maya maya'y nakarinig ako ng isang buntong hininga. Ilang singhot. Mga tila patak ng tubig sa unan. At matinding pagpalahaw.
Nagulat ako. Hinde rin pala ako nananaginip. Sabado pa pala ng hapon. Niyakap ko siya. Mahigpit. Matagal. Walang tigil ang mga patak sa unan. Hinarap ko siya na basang basa ang mukha sa luha. Niyakap ko siya. Wala akong masabi. Hinde ko alam kung ano ang umaandar sa isip niya ngayon.
"Paano na ako? Hinde ko ata kayang hinde ka makita sa tabi ko paggising sa umaga. Hinde ko kaya mahal." Sabay palahaw ng iyak. Pamilyar ang ganitong anyo. Nakita ko na ito nung pumanaw ang kanyang ina.
Nakakalungkot. Hinde ko pa maisip ang mga iniisip niya. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya habang hinahagod ang likod para tumahan na siya.
Siguro naiisip niya yung paglalambing ko sa umaga.
Wala nang maglalagay ng post-its sa kwarto at sa banyo.
Wala na siyang kasabay magsipilyo at maligo.
Walang magmamaktol dahil napanaginipan kong pinagpalit niya ako.
Walang na siyang kasama sa panonood ng tv series at pelikula gabi-gabi. Wala na siyang ka-appearan kapag patok ang punchlines. Walang humahagalpak sa kakatawa. Wala na rin kayakap kapag nakakatakot ang eksena.
Sino ang kasabay niyang magkape, magalmusal o kumain sa labas?
Paano na ang mga meryenda, mga sorbetes at iba pang weird cravings sa gabi.
Na kahit inaallergy sasamahan siya kumain sa KFC at Popoye's.
Yung kahawak kamay niya kahit sa kotse o sa pagkain o panonood ng tv. Basta kahit saan. Yung walang pakialam kung PDA na.
Yung partner sa pagdyi-gym, pagtakbo at pagexercise. Kasama sa paglaro ng ps3 o pagtugtog o pagvideoke.
Sino na ang makakasama tumawa sa panonood ng japanese prank shows at thai commercials at pag critic sa fliptop at mga nagcocover sa youtube.
Wala ng daily email sa office account, sms at chat.
Wala nang ipapamalantsa, ipaglalaba at ipagtutupi ng damit. Wala na ring susunduin tuwing alas-sais y media ng gabi.
Sino pa ang titingin kung maluwang sa kanan o kung may oovertake at kung kasya ang kotse sa pagpaparkingan.
Yung mangungulit sa mga pusa at magtatanggal ng balahibo nila sa mga damit at gamit sa bahay.
Yung makakamiss ng amoy niya sa umaga. Yung hahalik sa lahat ng sulok ng katawan niya. Yung walang gustong gawin kundi yumakap lang buong maghapon kahit di na kumain.
Hinde na siya maipagluluto ng masasarap na hapunan.
Siguro iniimagine niya na wala nang magpipisik ng pabango sa polo niya tuwing umaga.
Siguro bumabalik yung mga panahong nagsisimula pa lang kami. Yung naglilipat kami ng bahay. Yung maleta at PC lang ang aming mga gamit. Hanggang sa dumami ang mga iyon at magkaron na kami ng kumportableng tirahan. Yung simple lang ang lahat at wala pa kaming alam sa kung ano ang mangyayari samin matapos ikasal.
Kung ito man ang ilan sa tumatakbo sa isip niya nung sandaling iyon, naisip ko nakakalungkot nga. Wala akong masabi. Tumulo lang rin ang luha ko habang nagsisimula na ring magflashback sakin ang mga mamimiss ko sa kanya.
Nang siya'y nahimasmasan, napagusapan namin kung ano ang mga gagawin niya kapag wala na ako. Kung papaano siya kakain. Ang mga scheduled activities namin habang magkalayo. Ang kanyang magagastos buwan-buwan. Naihanda ko na rin ang bahay para konting linis na lang ang gagawin niya at hinde na siya masyado mahihirapan. Naturuan ko na rin siya sa kung paano ang diskarte sa kotse at sa mga pusa.
Hinde pa nagsisink-in sa akin kung ano ang mararamdaman ko kung magkalayo na kami. Hinde ko pa iyon nakikita kahit isang buwan na lang ang itatagal ko dito.
Hnde ko pa rin naiisip ang mga gagawin ko habang magkalayo kami gaya ng mga napagplanuhan namin sa sitwasyon niya.
At hinde ko pa rin naiisip ang gagawin ko kung papaano makarecover.
Makakaya ko ba?
:(

Thursday, April 25, 2013

Paano Ba Magmahal?

"Beloved, if God loved us in this way, we also ought to love one another."
(1 John 4:11)

Sabi nga kahit lubhang flawed at maraming imperfections ang tao, mahal pa rin tayo ng Diyos.

Naalala ko tuloy nung tinanong ko yung asawa ko tungkol sa turning point niya last year sa kung ano yung nagpabago sa kanya.. sagot niya lamang sakin, "Sa lahat ng nangyari na kahit mismo ako e sumuko na sa Kanya.. hinde niya ako sinukuan."

Nasabi rin na kung kaya ng Diyos magpatawad, maghintay sa ating pagbabalik, magtiyaga at umintindi sa ating mga kakulangan.. bakit ba napakahirap para sa ating gawin yun pagdating sa ibang tao?

Maging ako hanggang ngayon ay guilty dito.

Sabi ng asawa ko, magsisimula daw ang effort na ito sa sarili. Yung mahalin at patawarin mo mismo ang sarili mo. Kilalanin mo ang sariling faults, mga kahinaan at pagkukulang.. dahil gaya mo bilang tao, ganun din naman ang iba. And by then, saka mo matututunang mahalin at tanggapin ang iyong kapwa gaya ng pagtanggap at pagmamahal sa atin ng Diyos.

-k

Tuesday, April 23, 2013

Towards Deliverance

Bilib ako sa mga taong spontaneous. Yung tipong iisa ang daloy ng utak at bibig. Wala halos dead air o awkward fillers sa pananalita. Tuloy-tuloy. Parang alam na alam ang sinasabi.

Pero mas bilib ako sa mga taong may spontaniety sa PAGDADASAL. Wala ako nun e. Yung tipong iisa ang daloy ng bibig, utak at PUSO. Yung tipong ang fillers nila e pangalan ng Diyos in different variations. Pwedeng "Ama", "O Diyos", "Panginoon", "Lord", atbp. Ni hinde ako makapag-lead ng prayer. Marahil nasanay at mas kumportable ako na Siya lang ang kausap ko. Yung walang makakarinig. Yung kami lang dalawa. Tipong kahit fragments o phrases lang ang sabihin ko, nagkakaintindihan na kami.

Kaninang umaga, binasa ko ang mensahe sa amin para mapagnilay-nilayan:

"You are my hiding place; you will protect me from trouble and surround me with songs of deliverance." (Psalm 32:7)

Simple lang naman ang pagkakaintindi ko. Literal. Na ang Diyos ang aking takbuhan na siyang magpprotekta at magliligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan. Ilang sandali pa'y nagdasal ako ng pasasalamat dahil alam ko naman na andyan ang Diyos para ako'y iligtas at palayain. Matapos nun ay may dead air. Hinintay ata ako ni Rob magshare ng palagay ko sa binasa kong verse. Pero siya ang nagpatuloy. Sa loob-loob ko, mukhang ako ang magdadasal mamaya ah. Pero nagdasal na ako kanina nung nabasa ko yung verse e. Naramdaman niya ata na hinihintay ko lang siya kaya siya ang nagpatuloy.

Aniya, "Itinuturo sa atin na ang Diyos ang tagapagligtas natin sa lahat ng kapahamakan at problema sa buhay. Siya ang ating takbuhan na magpapalaya sa atin sa mga ito. Siya ang magbibigay lakas sa mga ating mga inhibitions at kahinaan. Hinde lamang sa mga problema at kapahamakan tayo niya maililigtas kundi sa mga temptasyon na maglalayo sa atin sa tamang landas. Gaya ng nabanggit kahapon, basta dumulog lang sa kanya.. hingiin lamang ang tulong ng Panginoon ay sasaklolo Siya sa panahon ng pangangailangan."

"Kahit sa buhay natin dalawa sa hinaharap. Maraming darating na mga tukso. Huwag lang nating kalimutan na humingi ng kaliwanagan at kalakasan sa Kanya upang hinde tayo madala sa maling asal. Mahirap mabuhay sa pagkakasala. Subalit siya lamang ang magiging susi natin sa kaligtasan."

Pinagpatuloy niya ang aral sa pamamagitan ng dasal. Tila kasi natameme lang ako sa pagkakayakap sa kanya sa kama habang nakikinig.

"Panginoon maraming salamat sa bagong araw na pinagkaloob Niyo. Maraming salamat sa mensahe niyo sa amin. Sa bagong pagkakataon na mapagaralan at lalong makilala ang inyong kadakilaan at purihin namin ang inyong ngalan."

"Salamat po at kayo ang aming tagapagligtas. Alam namin na sa aming paghingi ng tulong sa inyo, kayo man ang nakakubling dako subalit hinde kayo nagtatago. Naghihintay lamang kayo sa aming pagdulog sa inyo."

Habang pinagdasal niya ang pagbilis ng araw ng aking pagkakapahinga. Pinagdasal ko sa isip ang kalusugan ng mga kamaganak at kanya-kanya naming pamilya. Pinasalamatan niya at hiningi ng patnubay at pagpapala rin ang aming pagsasama. Pinasalamatan muli ang presensya ng Panginoon sa aming buhay.

Nalunod ako sa mga narinig ko. Nakaramdam ako ng mas malalim na tiwala at pagmamahal sa kanya. Ang mga salita at tono ng asawa ko ay siyang tipong pamilyar lamang sa akin kapag ako ay nagsisimba tuwing Biyernes. Ni hinde ko nga magamit ang "Panginoon" sa aking personal na pakikipagusap sa Kanya. Pero narito ang asawa ko na taos pusong pumupuri sa Diyos.

Nagpapasalamat ako na unti-unti Niya kaming binabago. Na lalo namin siyang nakikilala at minamahal. At lalo kaming nagiging matatag bilang mag-asawa sa tulong Niya gayundin bilang mga kristiyano. Marami pa akong kakulangan. Pero positibo ako na sa tulong ng aking asawa ay mas lalo akong kakapit sa Diyos.

Darating din siguro yung araw na magagapi ko rin ang aking mga reservations. Na sakaling magkaroon ng mga pagsubok sa buhay, mga alinlangan, at iba pang mga lubak sa aking pananampalataya ay una kong tatakbuhan ang kanlungan ng Panginoon.

Ang gaan na ng bawat umaga.
Parang may kakaiba akong gana at lakas bumangon sa kama.
Ang pakikipagusap sa kanya pagkagising kasama ni Rob ay naging paborito ko nang parte ng aking araw.

-k

Sunday, April 21, 2013

Bagong Umaga

Nagising ako kanina ng mas maaga sa mga nakaraang araw. Hinde dahil sa alingaw-ngaw ng alarm clock o pangungulit ng mga pusa kundi sa kung ano mang kagaanan ng loob na nararamdaman. Hanggang ngayon hinde ko pa rin ito maipaliwanag.

Matapos kong tingnan ang telepono at makitang may oras pa para magyakapan at mag-almusal, niyapos ko si Rob. Hinalikan. Ilang ulit para magising. Niyakap niya ako ng mahigpit. Sabay palitan kami ng "I love you." habang nakapulupot ang aming mga katawan sa isa't-isa. Ilang sandali pa ay nag-alarm na ang telepono niya. Kinuha niya iyon at sinabi, "Bago tayo mag-almusal eto muna.." pinakita niya sa akin ang telepono at binasa ang nakasulat mula sa isang Bible app:

"Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. If you ask me anything in my name, I will do it." (John 14:13-14)

Tinanong niya ako kung ano ang pagkakaintindi ko. Sabi ko lamang, "Na kung meron kang hihilingin, idulog mo sa kanya. Ipagdasal mo iyon sa ngalan niya dahil sabi nga sa simbahan, alam niya ang kailangan mo. Kailangan mo lang lumapit at matutuwa siya kung kikilalanin mo na siya ang makakapagbigay sa iyo nun."

Dagdag ko, "Hinde ko kasing magawang humiling sa Diyos ng mga bagay-bagay kasi baka sabihin niya hingi ako ng hingi. Nahihiya ako,marami na kasing taong humihingi ng tulong niya."

Sagot niya sakin, "Kahit sa isang kaibigan, magulang, o kahit para sa akin bilang asawa mo..kung hinde ka hihingi ng tulong sa amin, hinde namin maaappreciate. Parang ganun yun."

Niyakap niya ako ng mahigpit at nagdasal. Nalunod ako sa mga nasambit niya. Mga taos pusong pagpapasalamat sa araw at bagong mga pagkakataon para matapos ang mga gawain at maging instrumento dito sa lupa. Walang personal na hiling kundi proteksyon at kalinga lamang sa aming mga pamilya. Na bigyan kami ng kalinawan sa mga plano niya sa amin. Pagpapasalamat at hiling sa mas marami pang pagkakataon na purihin Siya sa gitna ng kasiyahan, kalungkutan, problema, o kasaganaan. Hiling na pisikal at pangispiritwal na katatagan at hinde makalimot na andiyan lamang Siya kasama namin.. Na hinde lamang kami dalawa sa buhay kundi Tatlo.

Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko sa basa na niyang Tshirt. Nung narinig niya ang pagsinghot ko, pinagdasal niya rin na sana gumaling rin sana ang aking sipon. Natawa ako. Napansin ko rin na tila tahimik na nakikisama sa aming dasal ang mga gutom na naming mga pusa.

Ang tanging dasal ko ay mapayapang buhay at kaliwanagan sa puso ng aking mga kapamilya. Kaligtasan ng aking asawa sa lahat ng oras at pasasalamat sa kanyang pagmamahal.

Niyakap ko siya.
Mahigpit.
At hinagkan.

Tunay.
Na maganda ang umaga.

-k