Sunday, May 26, 2013

One Woman Man


"How can a young man keep his way pure? By living according to your word." (Psalm 119:9)

---

Nanatiling itong draft ilang linggo na ang nakakaraan mula noong April 29. General ang pinupunto ng verse pero rinelate ng asawa ko sa aming pagsasama. Ito ang isa sa pinaka-moving na narinig ko mula kay Rob:

" Sa gitna ng lahat ng advancements sa technology, nariyan ang mga distractions sa paggawa ng matuwid. Ang telebisyon, mga iba't ibang babasahin, internet, pati ang Facebook na accesible sa nakararami ay nagiging instrumento sa pagkakalat ng iba't ibang porma o representasyon ng tukso. Lubhang malaking hamon tuloy para sa atin ang paglayo sa mga masasamang gawi at temptasyon. Halimbawa na lang sa samahan ng mag-asawa. Sa panahon ngayon, mas lalong hinde madali maging tapat sa kapareha."

" Madali lang magpantasya sa mga larawan ng ibang mga babae. Madaling matunaw sa mga katawan at magagandang mukha ng mga sikat na aktor sa mga pelikula. Hinde mahirap humanga at magbigay ng oras at atensyon sa ibang tao bukod sa iyong asawa. Naaappreciate ko na wala akong problema sayong ganon. Dahil ako ang lahat lahat para sa iyo. Unfortunately, naiporma ang lipunan na mangunsumo ang mga kalalakihan sa kamunduhan. Kaya ako bilang asawa mo e binabago ko ang aking sarili, noon pa man simula nang magsama tayo, na labanan ang iba't ibang porma ng tukso kahit pa sa mata o isip lang upang hinde kita masaktan. Ganun ka na sa akin kaya marapat lang na ganun ako kalinis para sa iyo."

" Dalawa, para sa akin, ang dapat tandaan ng isang tao upang magawa niyang maging tapat sa kasama niya sa buhay. Una, napakasimple.. Pag-ibig. Mukhang madali ang konsepto dahil simple lang ang lohika. Kapag mahal mo ang tao, hinde ka gagawa ng makakasakit sa kanya. Na kapag mahal mo ang tao e gusto mo siyang maging masaya, at lahat ng best para sa interes niya ang nasa isip mo. Madali ang konsepto ng pag-ibig pero mahirap mapanindigan. Dahil minsan, nauuna ang pansariling pangangailangan, gusto at interes. Sa kung paano magiging matapat sa asawa, parati lang dapat balikan ng isang tao ang kanyang pagmamahal dito."

"Ang pangalawang bagay na magpapakita ng katapatan natin para sa akin ay ang pagsunod sa salita ng Diyos. Ito ay dahil hinde lamang sa pagsasapuso na mahal natin ang tao makikita ang katapatan natin sa ating kasintahan o asawa. Maraming mga verses sa Bible na nagtuturo kung paano maging mabuting kapareha at paano sila itrato. Kung ano ang mga obligasyon natin bilang asawa at kung paano magmahal ng tapat. Dapat nating tandaan na ang Diyos na nagbuklod sa atin ay nasa gitna ng ating pagsasama. Siya rin ang nagtuturo sa atin kung paano maging matuwid na tao at matapat na kapareha sa pamamagitan ng kaniyang mga salita. Kung matatandaan at isasabuhay natin ang lahat ng gawi ayon sa mga aral Niya, higit pa sa pagmamahal mo sa asawa mo ang iyong pinapakita kundi pagmamahal din sa Diyos."


---


Nakakataba ng puso na marinig na hinde na lang ako umaasa sa pagmamahal ng asawa ko para magtiwala ako na magiging tapat siya sa akin at sa aming pagsasama. Alam ko naman kasi na ang pagmamahal sa isang tao ay hinde naman masasabing permanente. Nagbabago ang lahat kaya nga may tinatawag minsan na "change of heart". Pero yung marinig mo mismo na mamahalin ka ng tao at magiging tapat siya sa iyo dahil yun ang tama at dahil mahal niya ang Diyos, paano ka pa hinde maniniwala? Ngayon hinde lamang ako nananampalataya sa Diyos kundi pati na rin sa asawa ko. Ang gaan-gaan sa pakiramdam.

Ilan sa mga verses sa Bible na nakakatulong sa akin na matandaan ang kahalagahan ng aking asawa ay nasa ibaba. Ito ay nagbibigay rin ng insights sa kung ano ang obligasyon natin, mga paraan kung bakit at paano sila mahalin, pati na rin ang esensya ng kasal. Minsan kapag mabilis ako magtampo sa asawa ko, pinapaalalahanan ko ang sarili na: "Love is patient and kind". Napakasimple pero epektibong nagpapalamig sa hinde maawat kong temper kung minsan.


Love is patient, love is kind, and is not jealous; love does not brag and is not arrogant, does not act unbecomingly; it does not seek its own, is not provoked, does not take into account a wrong suffered, does not rejoice in unrighteousness, but rejoices with the truth; bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. Love never fails; but if there are gifts of prophecy, they will be done away; if there are tongues, they will cease; if there is knowledge, it will be done away. (1 Corinthians 13:4-8)

"But at the beginning of creation God 'made them male and female.'  'For this reason a man will leave his father and mother and be united to his wife,  and the two will become one flesh.' So they are no longer two, but one.  Therefore what God has joined together, let man not separate."  (Mark 10:6-9)

"Many a man claims to have unfailing love, but a faithful man who can find?  The righteous man leads a blameless life; blessed are his children after him." (Proverbs 20:6-7)

"Wives, submit to your husbands, as is fitting in the Lord.  Husbands, love your wives and do not be harsh with them." (Colossians 3:18-19)

"Wives, submit to your husbands as to the Lord.  For the husband is the head of the wife as Christ is the head of the church, his body, of which he is the Savior." (Ephesians 5:22-23)

"A wife of noble character is her husband's crown, but a disgraceful wife is like decay in his bones." (Proverbs 12:4)

"He who finds a wife finds what is good and receives favor from the LORD." (Proverbs 18:22)

"Houses and wealth are inherited from parents, but a prudent wife is from the LORD." (Proverbs 19:14)

 "A wife of noble character who can find? She is worth far more than rubies." (Proverbs 31:10)





Magandang umaga. :) 

Saturday, May 25, 2013

Langit

"If only for this life we have hope in Christ, we are to be pitied more than all men." 
(1 Corinthians 15:19)

Maganda ang service last Friday. Nasagot yung tanong ko kay Rob nung Huwebes. Napansin ko nga na paulit-ulit na lang talaga ako e. Sa kabilang banda, iisa at pauli-ulit rin ang sagot ng asawa ko. Wala naman kasing dapat nang itanong dahil parati naman na itong sinasagot. Ang kulit ko lang.

---

Kamatayan.

Sa ayaw man natin o hinde e matatapos ang buhay ng bawat isa sa atin. Maaring aksidente ang pagkamatay o dahil sa karamdaman. Maaring habang bata pa o sa katandaan. Pwedeng may hirap o pwedeng habang natutulog matapos ang lahat. At pwede ring mamaya lang o kaya'y sa malayong hinaharap. Basta ang alam natin, wala tayong kontrol. Hinde natin alam kung kailan. Hinde planado pwera na lang kung self-inflicted na (i.e. unhealthy lifestyle o suicide).

Karaniwang nababalutan ng lungkot o takot ang ideya ng katamayan. Iniiyak ito at kinasasakit ng dibdib. Isa rin ito sa dahilan kung bakit pinagdadasal ko ngayon pa lang na maging matatag ako sa hinaharap sakaling may mawala sa aking pamilya o kaibigan. Mahirap mawalan ng mahal sa buhay. Mahirap tanggapin. Masakit.

Ang sabi sa Bibliya, ang mundo natin ay hinde permanente. Na may mas hihigit pa sa buhay natin dito sa lupa. Na ang mundong ginagalawan natin ngayon ay puno ng kababawan: lahat umiikot sa vanity, yung tipong maganda lamang sa mata at may dalang convenience. Nasabi din na sakaling matapos ang buhay natin dito sa lupa, naghihintay sa atin ang buhay na walang hanggan kung saan wala nang hirap o problema. Ang sarap siguro dun.

Samakatuwid, ang kamatayan ay makikitang katapusan sana ng lahat ng hirap sa mundo. Kumbaga graduate na ang isang tao at patungo na siya sa totoong buhay. Sa isang perpektong sitwasyon, dapat ang patutunguan ng taong namayapa ay ang langit.

---

Langit.

Ang sabi sa Bibliya, ang langit daw ay malawak, maganda, maliwanag at maaliwalas. Ang sabi rin, ang sinumang tagasunod ay may nakahandang mansyon sa kaharian ng Diyos. Naroroon sa langit ang Panginoon. Although, alam natin na kahit saan naman ay naroon ang presensya niya, pero alam lamang natin iyon dahil sa ating pananampalataya. Ang kagandahan ng pagpunta sa langit ay makakapiling natin ang Diyos. Kapag naroon na tayo, hinde na natin kailangan ng pananampalataya dahil makakasama na natin Siya sa kanyang tirahan. Sa wakas, ito na ang pagkakataon  na makita na natin Siya.

Ang langit rin ang nagsisilbing pag-asa natin sa lupa. Ang dahilan kung bakit kailangan pagsumikapan natin na makaya ang mga pagsubok habang nananatiling matapat sa Kanya. Sa madali't sabi, may silbi ang lahat ng hirap natin sa mundo, hinde lang para matuto, maging malakas sa iba pang hamon, kundi ito'y investment para na rin sa kung ano ang naghihintay sa atin sa kabilang buhay.

Paano ba makakarating sa langit? Maganda ang diskusyon sa paksang ito na aking na-appreciate. Dapat daw, maging mabuting mamamayan ng langit habang naririto pa lang tayo sa lupa. Paano? Sa pagsunod sa mga utos ng Diyos. Gawin ang tama. Mahalin ang kapwa na gaya ng pagmamahal Niya sa atin. Maging tapat. Maging mapagkumbaba. Marami pang pagpapahalaga at paraan upang makalikom ng puntos para sa lugar natin sa itaas. Marapat na habang maaga e ilagay natin sa isip at puso na ang buhay natin sa lupa, mahirap man o madali ay ang magiging susi natin sa regalong buhay na walang hanggan sa piling Niya. Isa itong investment na hinde makukuha kung walang pananampalataya, disiplina, at kung hinde paghihirapan.

Mahirap kwestyunin ang mga bagay na hinde maaarok ng ating utak. Kaya ngayon, araw-araw kong iniisip na hinde panget ang mga pagsubok sa buhay. Kung iisipin kasi, hinde naman madali ang naging buhay ng mga santo, martir at iba pang deboto. Kaya bilang isang normal na kristiyano, bakit ako maghihimutok o papalahaw ng iyak sa mga mas simpleng problema at sakripisyo. Mayroon atang langit na naghihintay sa akin.

Magandang umaga.
:)

Saturday, May 18, 2013

Hallelujah

Masaya ako nung Huwebes. Hinde ko man sinunod si Rob na mag-"dramatic" look-back ng limang minuto paglabas ko ng 6:30 ng gabi sa opisina (lol), pero masasabi kong masaya ang makatanggap ng relo at paghandaan ng tanghalian ng mga kasama ko sa opisina sa loob ng higit limang taon. Nadama ko namang naappreciate nila ako. Magandang exit kahit papaano.

Sarap maging malaya.

---

Hinde ako nagising ng maaga noong Biyernes. Malamang pinagbigyan ako ni Rob na magising ng tanghali. Yung chillax lang. Sa hapon na lang kami nakapagsimba. Hinde naman ako tinamad. Pero hinde ko pa kasi nararanasan yung walang karampot na lungkot dahil bukas e may pasok na naman. Masarap talagang humilata lang sa kama hanggat gusto mo. Tapos lalabas lang kayong mag-asawa. Makkwentuhan sa Pizza Hut then magttsaa pagtapos. Masama ang pakiramdam ni Rob nung araw na iyon. Magandang pagkakataon para maging matiyaga at mabait na nars ako na nagbantay sa kanya hanggang siya'y makatulog. Natulog lang ako nung napainom ko na siya ng gamot ulit nung madaling araw. Guilt-free.

Sarap maging housewife.

---

Pagkagising kanina bago magalmusal ay nagehersisyo kami. Nanood ng Naruto habang nanananghalian. Naglinis ng kwarto at nagsiesta habang nagpa-piano si Rob. Plano sana naming tumakbo kaso natrapik. Kumain na lang kami sa Thai Snack. Nanood ng My Awkward Sexual Adventure (Love story. Hinde pelikulang bastos.) pagkauwi. Nagbasa-basa tungkol sa pinaplano kong negosyo sa internet habang nagsa-sounds. Lahat ng mga gusto kong gawin nagawa ko sa isang araw. Ngayon nagsusulat ako at naga-update ng blog.

Sarap ng walang pasok.

---

Magulo ang mga nakaraang linggo. Maraming beses akong naligaw, nalito, naguluhan, at nastress. Nalungkot sa mga pangyayaring hinde inaasahan. Naaapektuhan sa mga negative vibes sa paligid. Namomoblema sa maraming bagay. Nawawala sa focus at positibong pananaw. Minsan pa'y kinwestyon ko ang sariling desisyon. At kung ito na ba ang tamang oras.Nagdudulot tuloy ito ng pagdaan lamang ng mga araw na hinde namin nasusulit ang mga oras na magkasama. Hinde tama e. Napakatatag ko sa mata ng iba, pero sa totoo lang e gupong-gupo na ako ng maraming isipin. Loser lang.

---

Tuwing umaga, inspired man ako o masama ang loob o may tampo o masaya o inaantok o sipag na sipag o kahit pa tinatamad ay ginigising ako ni Rob para magbasa ng Bible verse. Nakayakap ako sa kanya habang tila pastor siya na nagsheshare ng reflection niya tungkol sa nabasa. May mga bagay akong hinde shineshare o dinidiscuss sa kanya na bumabagabag sa akin nung mga nakaraan na siyang nababanggit pa niya sa kanyang pinagdadasal. Nakakaluha lang minsan. Ilan sa mga ina-underscore niyang mga verses tungkol sa pananampalataya sa plano ng Panginoon ay:


"And hope does not disappoint us, because God has poured out his love into our hearts by the Holy Spirit, whom he has given us." (Romans 5:5) --- April 30 


"Do not be anxious about anything, but in everything, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. 7 And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus." (Philippians 4:6-7) --- May 4


"Do not let your hearts be troubled. Trust in God; trust also in me. 2 In my Father's house are many rooms; if it were not so, I would have told you. I am going there to prepare a place for you. 3 And if I go and prepare a place for you, I will come back and take you to be with me that you also may be where I am." (John 14:1-3) --- May 10


Those who trust in the LORD are like Mount Zion, which cannot be shaken but endures forever. (Psalm 125:1) --- May 17


"It has often thrown him into fire or water to kill him. But if you can do anything, take pity on us and help us." 23 " 'If you can'?" said Jesus. "Everything is possible for him who believes." 24 Immediately the boy's father exclaimed, "I do believe; help me overcome my unbelief !" (Mark 9:22-24) --- May 18

---

Sinaggest ng kaibigan ng asawa ko..
Pinapraktis na ni Rob i-piano..
Pinagaaralan kong abutin ang mataas na tono..


Hallelujah
(Paramore)

Somehow everything's gonna fall right into place  
If we only had a way to make it all fall faster every day  
If only time flew like a dove  
Well God, make it fly faster than I'm falling in love
  
This time we're not giving up 

Let's make it last forever Screaming "Hallelujah!"  
We'll make it last forever
 
Holding onto patience wearing thin 

I can't force these eyes to see the end 
If only time flew like a dove  
Well, we could watch it fly and just keep looking up

...

---

Sa mga nakabasa nito na may dinadala rin sa kasalukuyan, sana makatulong ang mga nabanggit na verses sa itaas. Magdasal lang tayo at manampalataya.

Kasi hinde tayo nagiisa.

Magandang araw.

Sunday, May 5, 2013

Dear Rob: Day 12

Yumakap ka sa akin. Hawak ko lang ang celphone ko. Sabi mo ni hinde ako nagpplano ng mga bonding activities natin gayong sa katapusan e wala na ako. Wala akong nasabi. Napangungunahan pa rin ng tampo ang pagsulit ng mga nalalabing araw at oras. Tumayo ka. Nag-ehersisyo. Pinagpatuloy ko ang pagke-candy crush. Hinde naman maka-move sa next level. Naaalala mo ba dati, kapag sinasabi mong nasasayang ang oras natin sa mga tampuhan kaya ayaw na ayaw mo kapag nagagalit ako lalo na kapag weekend? Isang araw lang ang pahinga ko, inubos ko pa ang oras sa pagluto ng sama ng loob. Tapos ang isasagot ko sa'yo 'Ok lang mag-away basta nakklaro ang mga bagay at mas nakikilala natin ang isa't-isa. Tutal pagtapos din naman nun mas lalo kitang minamahal.' Parang gago lang. Haha. Hinde ko rin maintindihan e. Andami kong iniisip nitong mga nakaraan. Iiwan kitang mag-isa. Andaming problema sa opisina. Hinde ko alam kung tama ba ang sugal na gagawin ko. Nakakatakot lang rin na sakaling manghina ako at talaban ng lungkot at kawalan ng lakas, baka isang araw sabihin ko sa'yo na ayoko na. Wag na lang akong umalis. Dito na lang ako sa tabi mo. Itapon ko na lang ang mga pangarap ko.
Pero malay natin di ba.
Hinde naman masama yun.
Konti na lang.
Patawad.
Mahal naman kita.
Mahal na mahal.
-k