sa lahat ng tao na makikilala ko, may isa o dalawang beses na naitanong ko sa sarili na kung bakit napangasawa ko pa ang taong hinde kapanalig ng iniidolo kong eraserheads. nire-respeto naman niya ang aking pananalig sa kanilang musika, sa banda at sa mga taong bumubuo nito. pero kung bakit ba hinde siya nag-conform sa boto ng masa na ang e-heads ang pinakamagaling na banda sa pinas, e hinde ko na alam. pinagbigyan ko rin naman ang pwede niyang maging dahilan: siguro "too mainstream" na sa kanya na tipong nakakasawa na na lahat na lang ng tao e puro ely buendia at e-heads ang bukambibig noon. pero para sakin, kahit kumontra sya habang nakatalikod ako, sila paren ang beatles ng dekada 90.
---
isang gabi nung nakaraang linggo, may pinaguusapan kaming seryoso ni rob. seryoso, na tipong nakakasira ng araw. yung magpapatahimik sa akin ng hinde lang sa buong gabi.. kundi ilang araw. ganun kaseryoso. tapos bigla niyang nabanggit na marami na daw siyang hinde pinaniniwalaan sa mundo. napatigil ako. tinanong ko kung anu ang ibig nyang sabihin.
sabi nya, marami na daw siyang nagawang kabalbalan at kagaguhan sa buhay nya. mga pagkakamali. pero magaan ang buhay nya ngayon. maayos ang trabaho.. na-promote pa sya. wala siyang problema sa pamilya. nabibili niya ang lahat ng kailangan at mga luho namin. rakenrol lang ang buhay, maginhawa at higit sa lahat, may nagmamahal na asawa.
ako daw ang pinaka-mabait na taong nakilala niya sa buhay. malinis. walang ganid at masamang intensyon. ni walang ginusto para sa sarili. lahat para sa ibang tao at mga mahal sa buhay. pero bakit daw ako ang may sakit na walang gamot. bakit walang natitira sa sahod ko para sa sarili. bakit demonyo daw ang amo ko. bakit ako pa daw ang nasisigawan at hinde natatrato ng tama. bakit parate akong may problema sa pera. bakit wala akong pangarap na pansarili. bakit ako daw ang pinuputakte ng kalungkutan at problema. bakit daw ako pa ang nahihirapan. bakit hinde yung ibang taong puro kababawan lang ang ginagawa at iniisip sa buhay. o bakit hinde yung mga taong walang puso gaya ng amo ko.
tumulo ang luha ko. sinabi nya at narinig ko yung miminsang pinagtataka ko rin sa buhay na sinasarili ko lang. ayoko naman kasing paniwalaan na ganun ang sistema ng buhay. na kapalaran ko at gusto ito ng diyos sakin.
pero naiyak din ako sa kung gaano kasensitibo ng lalakeng nasa harap ko no'n na mugto na rin ang mga mata. na higit na nasasaktan kapag nasasaktan ako kahit hinde ko sinasabi. na alam nya minsan yung sinasabi ng isip at nararamdaman ng puso ko. sa mga katahimikan ko e nakararamdam siya ng pagkabalisa, minsan ng galit, at kadalasan, ng impulse na gumawa ng aksyon para masolusyunan ang anu mang problema o bumabagabag sakin. pero isa lang ba dapat ang maging magandang aspeto sa buhay ng tao. anlabo e, aniya.
nawawalan na daw siya ng pananalig sa fairness ng buhay. sabi ko naintindihan ko siya.. pero sana kung naniniwala pa ako, samahan nya ako sa tiwalang yun. niyakap niya ako ng mahigpit. matagal. sabi nya, mahal na mahal niya ako lalo.
---
---
hinde man siguro panatiko ang asawa ko ng eraserheads. pero siya ang naiisip ko kapag naririnig yung pamilyar na chorus ng "with a smile". sa kanya ko rin naia-associate yung lyrics ng "huwag kang matakot". kinanta ni rob ang "ligaya" nung nagvi-videoke kami dati dahil puro e-heads ang sinalang ko (hinde ko naman alam na hinde siya fan no'n). si rob lang ang naiimagine kong kasayaw sa saliw ng "huling el bimbo" at "kailan". siya lang rin ang magiging kasama ko sa joyride sa kung saan habang ang "sembreak", "overdrive", "alapaap", "torpedo", at iba pang kanta nila ang bumabayo sa loob ng kotse namin.
---
" Ikaw ang Diyos at hari ng iyong mundo
Matakot sila sa 'yo."
Matakot sila sa 'yo."
- linya sa isang kanta ng e-heads.
- turo ni rob.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteminsan, hindi rin masisisi yung mga taong wala nang iniisip kundi ang sarili tsaka pamilya na lang.. minsan, wala na silang pakialam sa paligid dahil medyo nakakalalake/nakakababae na kung mambalahura.. kaya ganun, hwag na lang pansinin.. rock on lang.. hehe
ReplyDeleteisang album pa sana ng heads para solb na..
pero nabasa ko yung una mong comment. hehehe. sasang-ayon si rob jan sa sinabi mo. (tulog nga lang sya ngayon.) sa totoo lang kaya affected yung isa sa sitwasyon ko e mukang ako na ata yung nasa midlife crisis..mas maganda kasi ang sitwasyon nya kesa sakin. at tama ka jan sa isa pang album. at concert sana dito sa doha. :)
Deletesalamat po sa pagbasa. \m/