2. hinde ko matandaan ang mukha niya from memory. sa mga litrato ko lamang siya nakita.
3. nakahiligan din daw ni Papa ang pagtugtog ng gitara.
4. mahilig rin magluto si Papa, gaya ni Mama. mana mana lang. :)
5. matalino daw si Papa. valedictorian siya nung High School sa Lyceum sa Pangasinan.
6. mahal na mahal daw niya sina Papang, Mamang at kanyang mga kapatid.
7. masugid daw na manliligaw si Papa. nadala ata ng kanyang pagpupursigi si Mama.
8. maraming kaibigan si Papa. marami rin siyang mga baril.
9. ginigising at nakikipaglaro daw si Papa sa amin kapag dumadating siya sa bahay kahit madaling araw na.
10. puro kulay puti ang mga gamit namin noon sa bahay dahil kay Papa. masinop, organisado at malinis siya sa lahat ng bagay.
11. parati daw ako dinadala, kinakarga at pinagda-drive ni Papa para makatulog.
12. paborito ko ang puting kumot niya galing AFP. kahit brownout no'n, nakatalukbong ako kasi malamig sa balat yung kumot na iyon.
13. idol daw ni Kuya si Papa. sa kanya lang daw siya sumusunod.
14. gusto daw ni Papa na siya ang nagluluto at nagpapaligo sa aming magkapatid.pinipilit din ni Papa na ubusin ni Kuya ang hinaing mga gulay sa kanyang plato
15. mapagmahal at makapamilya daw si Papa. kapag walang pasok, gusto niya na lahat kami ay nasa kwarto lang at nagkukulitan o nagkkwentuhan sila nina Mama at Kuya o nanonood lang ng T.V.
16. mabuti at mapagmahal daw na asawa si Papa sabi ni Mama. minsan daw nagmamahjong lang sila para maglibang; pinayagan niyang magtrabaho si Mama dahil bored ito; tig-isa kami noon ng taga-pagalaga para hinde mahirapan si Mama; at ang gusto ni Mama ang madalas na nasusunod.
17. gusto niya daw maging abugado si Kuya. pangarap niyang makapag-aral ito sa Ateneo. ako naman, plano daw na ipasok nila sa Poveda. yaman. (pangarap nga eh. haha!)
18. bidang-bida ang kuya ko sa bayan nina Papa sa Pangasinan. mananalo siya malamang kapag tumakbo siyang kapitan ng barangay. mahal siya ng lahat gaya ng pagmamahal nila kay Papa.
19. ninong ko si Sen. Gringo Honasan. pareho kami ng pangalan ng isa sa limang anak niya (Kit).
20. matulungin si Papa sa kanyang pamilya at mga kamag-anak.
21. isang araw noong Agosto, taon 1987 sa gitna ng kaguluhan dahil sa kudeta, kinutuban daw si Mama. sumagi daw sa isip niya na baka hinde na makabalik si Papa sa bahay.
22. Sniper Rifle.
23. mahirap mawalan ng asawa. mahirap mawalan ng makakasama sa pag-taguyod sa mga anak.
24. hinde na nag-asawa muli si Mama. wala na daw kasing makakapantay at maaaring pumalit sa posisyon ni Papa sa aming tahanan. tumayo siyang ama't ina naming magkapatid. tinawag niya iyong wagas na pag-ibig.
25. noong maliit pa ako, natatandaan ko na may ilang mga okasyon na pumapalahaw ng iyak si Mama. ang huli ay noong isang tanghali na kumakain kami sa mesa. bakit daw kami iniwan ni Papa. hinde ko alam kung yung ulam ba namin ang nagpaalala nito sa kanya o ang pinapanood naming programa sa telebisyon. hinde ko ata naubos ang pagkain ko sa lungkot at pagkabigla. pero yun na ang huli kong nakitang nag-breakdown si Mama.
26. paulit ulit ang kwento ni Mama sa akin tungkol kay Papa hanggang sa ngayon lalo na tuwing bago kami matulog hanggang abutin na kami ng liwanag. good times.
27. gustong gusto ni mama na nagbabakasyon kami sa Pangasinan. marahil dahil naaalala at nabubuhay si Papa sa kanya kapag naroon kami.
28. pinagtapos ko ang isa sa mga pamangkin ko sa side ni Papa para ituloy ang pagtulong niya sa mga kamag-anak.
29. ang pagkawala ni Papa ang nagpalakas sa aming tatlong mag-anak upang itaguyod paren nang masaya at kumpleto ang pamilya sa kabila ng kanyang pagkawala.
30. tuwing anibersaryo ng kamatayan ni Papa, nagluluto si mama ng pancit bihon --- para Long-life. :)
Papa, mahal na mahal ka namin. relaks ka lang diyan ha. |